Engaging alumni
- Roderick Ramos
- Feb 19, 2019
- 1 min read
Led by Ms. Rorit Mendoza during one fine Monday with MC President Dr. Rosario O. Lapus: February 11, 10:00am, an alumna who is a chef-author donated some books and an original special Filipino prayer for the culinary industry.
Mahal na Ina ng Kusina
Panalangin ni Nina Daza Puyat
O Mahal na Ina ng Kusina
Ina ng Diyos, maybahay ni Jose
Nagtaguyod ng isang banal na tahanan
Nagsilbi ng Banal na Pamilya
Ng taos-puso’t tapat.
Turuan mo kami
Gabayan mo kami
Sa aming kusina’t tahanan.
Sa bawa’t saing ng bigas
At paghiwa ng sangkap
Sa bawa’t halo ng sandok
At pagtimpla ng ulam
Sa bawa’t hugas ng pinggan
At paglipat ng mesa
Ang trabaho sa kusina
Mahirap, walang katapusan.
Nawa’y ang pag-ibig ng Diyos
Ang siyang mag-bigay lakas
Nawa’y ang iyong halimbawa
Ang magsilbing inspirasyon
Na ipagpatuloy ang Gawain sa araw-araw
Nang may ngiti sa aming mga puso
At may pag-ibig sa aming mga kamay
Para sa kapakanan ng aming mga mahal sa buhay.
Amen.
Comentarios